Ito ang aking tula
updated: April 26, 2013 8:18 am
updated: April 26, 2013 8:18 am
ENGLISH TRANSLATION OF THE SONG IS HERE: This is my poem (updated: re-translated version)
Koro:
Ito ang aking tula na ginawa ko noong panahon ng kadiliman
Ito ang aking tula na ginawa ko noong ako ay nananaginip pa
Ito ang aking tula na ginawa ko noong ako ay naghihirap
Sa mga problema na ayaw ko nang iharap
Idadaan ko na lng sa tula

Verse 1:
Habang ako ay nagsusulat sa papel
Gamit ang bolpen na hindi ko mayari
Kung maiintindihan ko pa ito bukas
Sa sobrang hrap isulat ang mga letrang dapat ilagay
Ay ako ay nagdurusa na parang tinutusok
Sa aking sinulid na hindi maipasok sa karayom*
Kaya sa sobrang pighati ay tinago na lang sa bote
Upang walang makakita na ako ay nakapiring
At sa kada sulyap ko'y may gusto akong ipahiwatig
Ang mga kasinugalingang matagal kong dapat na sinabi
Na ako ay isang tipong babaing naghihirap sa dilim
Isang martyr na kung saan susundin ang iyong bilin
Na kahit ilang beses nang dumaloy ang aking mga luha
Ay pinipilit ko pa rin tumayo upang aking malaman
Ang iyong patakaran at ang aking kinabukasan
Tama na ba ang ginagawa ko upang ako ay umunlad?
Koro:
Ito ang aking tula na ginawa ko noong panahon ng kadiliman
Ito ang aking tula na ginawa ko noong ako ay nananaginip pa
Ito ang aking tula na ginawa ko noong ako ay naghihirap
Sa mga problema na ayaw ko nang iharap
Idadaan ko na lang sa tula

Verse 2:
Noong bata palang ako, pinangarap 'ko dati
Ay maging artista na lumalabas dito sa tv
Upang magkapera kaagad at 'di na maghirap
Ang aking magulang para mkabayad na ng matrikula
Tinuruang kumanta, tinuruang umarte
Wala niisang 'di mabibighani sa akin
Maraming tawag at text, ako'y hinahanap nila
Kaya tawag ng klase sa 'kin ako'y multo lamang
Laging wala na sa eskwela, puro pera ang atupag
Libu-libo isang araw, walang wala na ang aral
Pero praa sakin khit 'di na 'ko mag aral ay ayos na
Dahil mas gusto 'kong yumaman kaysa maghirap pa
Ngunit tumagal ang panahon na ako ay nagtaka
Bakit niisa'y wala nang tumawag sakin o sumulyap
Lumuhod ang aking magulang, sabi nila na ako ay
Patitigilin na sa lahat, aral muna ang una
Ako ay napaiyak sa aking kaloob-looban
Minahal ko ang mga ito, ba't nyo ibabalik kgad?
Dahil ako lamang ay bata, wala akong magagawa
Kundi sundin ang utos nila, dahil sila ang magulang
Koro:
Ito ang aking tula na ginawa ko noong panahon ng kadiliman
Ito ang aking tula na ginawa ko noong ako ay nananaginip pa
Ito ang aking tula na ginawa ko noong ako ay naghihirap
Sa mga problema na ayaw ko nang iharap
Idadaan ko na lang sa tula
Ito ang aking tula na ginawa ko noong panahon ng kadiliman
Ito ang aking tula na ginawa ko noong ako ay nananaginip pa
Ito ang aking tula na ginawa ko noong ako ay naghihirap
Sa mga problema na ayaw ko nang iharap
Idadaan ko na lang sa tula
Verse 3:
Lumipas ang mga taon, na ako'y bigla nagbago
Ang pangalan ng inaruga ay bigla na lamang naglaho
Kada segundo ay iniisip, kada araw ay nananaginip
Kung ano pa nga ba ang hanap ng aking mga hinagpis
At sa kada tapak ng paa'y ako'y nasasaktan
Binabaling ko na lamang na parang walang wala
Ngunit pag ako'y nag-iisa ay bigla 'ko na lamang naalala
Sino nga pala ako noong ako ay bata pa?
At nang makita ko ang patalim ako ay nabighani
Tinatanong sa 'king sarili kung ito ba ang dapat gawin
Nakatulala, nagiisip sa susunod na hakbang
May mangyayari nga ba kung gagawin 'ko ang lahat ng iyan?
At bigla 'kong naalala ang aking mga mahal
Pati na rin ang Maykapal na nagpasimula ng lahat
Inisip ko ang dahilan kung bakit niya ginawa
Ang lahat ng ito sa akin upang ako'y magdusa
Lumuha na lamang ako ng dugo nang bigla biglaan
Ihinulog ang patalim na kani-kanina pang hinawakan
"Patawarin mo ako o Diyos, aking napagtanto na
Ang lahat ng ito ay isang mabigat na pagsubok lamang."
Koro:
Ito ang aking tula na ginawa ko noong panahon ng kadiliman
Ito ang aking tula na ginawa ko noong ako ay nananaginip pa
Ito ang aking tula na ginawa ko noong ako ay naghihirap
Sa mga problema na ayaw ko nang iharap
Idadaan ko na lang sa tula
====
The song is truly dramatic. Why? It was made when I don't have nowhere to go, no one to talk to, no one to seek to. I have problems regarding my family. My classmates enjoying their lives already at summer at that time while I am lying myself down and don't know what to do.
Is this a suicidal note? YES probably, a suicidal song it is. As you can see on the chorus, on:
it means that I wanted to take suicide because I can no longer know what my life really is, or purpose on this world, but instead on doing it, I will just make a poem (this song) because:Sa mga problema na ayaw ko nang iharap
Idadaan ko na lang sa tula
Lumuha na lamang ako ng dugo nang bigla biglaan===
Ihinulog ang patalim na kani kanina pang hinawakan
"Patawarin mo ako o Diyos, aking napagtanto na
Ang lahat ng ito ay isang mabigat na pagsubok lamang."
I made the song with only less than 30 minutes. I wasn't thinking of what I am supposed to write, I'm just writing it down on my iPod. I was depressed, and to remove this depression, I wrote this song.
Actually the 3rd verse was cut. I mean, I didn't do it anymore while I was depressed because while I was composing, something ruined my mood, so it got continued last month and finished it.
I was inspired by Gloc-9 at that time so yeah, this is a rap song.
This is not my first time composing a song. =) actually this is my 8th remembered composition song that I did. I did many songs, but after I sing it, I totally forgot the melody. HAHA xD so yeah, if you're asking how many remembered compositions I have right now, I have 11.
I started to compose a song when I was Grade 6 (12 years old). I was depressed and no friends at all, so I asked God why are there people who are bad like that, and suddenly I made a song in just a glimpse of an eye! But yea, later on I'll show you that 1st compostion Bakit nga ba, O Diyos?
===
Anyway, this will be some of the melodies of the song: (VERY SHORT since my cellphone battery is very low!) did this one using cellphone yesterday (PianoHD)
I wish I can do this one very ok . But the audio makign is really hard for me. It might to time to finish.
-kuruchi~
No comments:
Post a Comment